Ang Nawawalang Package Manager para sa macOS (o sa Linux)
I-paste ito sa macOS Terminal o sa Linux shell prompt.
Ipinapaliwanag ng script kung ano ang gagawin nito at pagkatapos ay hihinto bago ito magpatuloy. Basahin ang tungkol sa iba pang mga opsyon sa pag-install.
Kung ikaw ay gumagamit ng macOS, maaari mong subukan ang aming bagong .pkg
installer.
Maaari mong i-download ang pinakabagong release ng Homebrew sa GitHub.
Ang Homebrew ay nag-i-install ng mga bagay na kailangan mo na hindi ginagawa ng Apple (o ng iyong Linux system).
Ang Homebrew ay nagi-install ng mga pakete sa kanilang sariling direktoryo at pagkatapos ay i-symlink ang kanilang mga file sa /opt/homebrew
(sa Apple Silicon).
Hindi mag-i-install ang Homebrew ng mga file sa labas ng prefix nito at maaari kang maglagay ng pang-install ng Homebrew kung saan mo man gusto.
Madaling lumikha ng iyong sariling Homebrew package.
Ang lahat ng ito ay may Git at Ruby sa ilalim, kaya madali mong maibabalik ang mga pagbabago at pagsasama ng mga upstream at update.
Ang mga homebrew formula ay simpleng Ruby scripts:
Ang Homebrew ay umaakma sa macOS (o sa iyong Linux system). I-install ang iyong mga RubyGems sa gem
at ang kanilang mga dependency sa brew
.
Hindi na kailangan ng “To install, drag this icon…”. Ang Homebrew Cask ang mag i-install ang macOS apps, fonts, plugins at ibang non-open source software.
Ang paggawa ng cask ay kasing simple ng paggawa ng formula.
brew
commandsAng Homebrew ay ginawa ni Max Howell. Ang website ay ginawa ni Rémi Prévost, Mike McQuaid at Danielle Lalonde.